Twilight (Kanto Version)
Kasi pare, ganito daw yun. May isa daw babae na hot daw, pare. Pero maputla siya kasi hindi siya inalagaan ng nanay niya pare. Tapos pare, emo daw siya kasi nga daw hindi siya mahal ng mundo at para siyang patay na bata na galit sa mundo. Tapos pare, lumipat daw siya ng tirahan kasi daw masyado daw siyang emo para sa luma niyang tirahan. Sabi niya sa nanay niya, "Tangina mo, 'nay, gusto ko lumipat kay 'tay." Tangina pare, hindi nagalit nanay niya. Sabi lang ng nanay niya, "Tangina mo pare, wag ka magmura."
So lumipat siya sa tatay niya, di ba? Pagkarating niya dun, sabi niya, "Tangina erpat, bakit maulan dito?" Sabi ng erpat niya, "Gago, 'bur' months na! Malamig na, tangena." So nagtaka yung babaeng simula ngayon ay tatawagin na lang nating "Babaeng Maputla at Emo".
So pumasok siya sa school, di ba? Binigyan siya ng truck ng tatay niya, pare. Sabi ng tatay niya, "Tangina mo, sa'yo na tong truck ko." Sabi niya, "Salamat, 'tay."
Pagkarating niyang school tsong, may nakita siyang lalaking mukhang bangkay pero pogi. Sakto. Pogi pero mukhang bangkay. Sabi ni Babaeng Maputla at Emo, "Hot, pare."
Nung Chem Lab na ni Babaeng Maputla at Emo, natagpuan niyang lab partner niya yung Poging Bangkay. So nung tinignan siya nung Poging Bangaky, ang asim ng mukha nito. Mukhang nandiri ata kay Babaeng Maputla at Emo.
Sabi ni Poging Bangkay, "Tangina mo." Sabi ni Babaeng Maputla at Emo, "Tangina KA." Sabi ni Poging Bangkay, "Tangina NIYA oh. *tumuro sa teacher nila*" Sabi ni Babaeng Maputla at Emo, "Oo nga 'no. TANGINA MO." Sabi ni Poging Bangkay, "Tangina mo, gago, bampira ako." Tapos naghubad siya ng damit at kumintab ang katawan niya, kasi linagyan niya ng glitters ang abs niya, kasi tigas siya at ganun na ang mga tigas ngayon na nagpupuntang emba. Puta pare, sarap niyang isanla sa pawnshop. Feeling ko kikita ako ng malupet sa kanya! Isipin mo shining shimering ang gago!
So anyways pare, na-in love si Babaeng Maputla at Emo kay Poging Bangkay. Si Poging Bangkay naman, sige lang kasi sex din daw yun. So ayun. Angshweet-shweet nila. Parang:
"Eow poh... ahihihihi"
"Bebe mwahugz,..... ^^, ilabshooo"
So tapos nun, nagpunta sila sa damuhan kasi.... alam mo na. Tapos sabi ni Poging Bangkay, "Ikaw na buhay ko ngayon." Sabi ni Babaeng Maputla at Emo, "Tangina mo gago patay ka na." Sabi ni Poging Bangkay, "TANGINA KA."
So basically pare, yun lang yung mga importanteng nangyari sa buong storya. Intense 'no? Kaya pala nahu-hook lahat ng tao.
Wooo, panalo talaga to. !!@#$%^ patay ka na. -- Oo nga naman!!